Friday, October 31, 2003
Horror Story #2Excerpted news item:Writing and Ricky Lee
Posted:11:43 PM (Manila Time) | Oct. 25, 2003
By Jo-Ann Q. Maglipon
Philippine Daily Inquirer News Service
... The big difference this year is that Ricky is collaborating with ABS-CBN, the station with which he is under contract as creative manager.
That means ABS-CBN is picking up the bill. The amount, say reliable sources, reaches a very generous one million pesos.
"They didn't tell me what their budget is, but already I am so grateful to ABS, kina Charo [Santos-Concio], Cory Vidanes], at Malou [Santos]. They are giving writers the respect that's always been given sa mga artista. ABS has always been open to training and employing new writers, but this year it's on a grand scale. Nagi-invest sila nang pangmatagalan sa writers."
Testimonial from writer Beverly Siy:Gusto ko lang pong ikuwento ang kaaya-aya kong karanasan nang mag-apply akong writer sa kapita-pitagang TV network na ABS-CBN.
Last year, may umikot na text na nangangailangan ng writers ang ABS-CBN. Pagdating ko sa venue, mga 10 am, may mga 30 applicants ang naabutan ko. Marami na raw ang nainterview at nasabihang, "Tatawagan na lang." Ibig sabihin, sowi, u didn't make it! May nakita pa akong kaklase ko na isang magaling na fictionist. Habang naghihintay kaming ma-interview, nagkakuwentuhan ang mga aplikante. Nakakatawa dahil may mga 1st year college students na nag-aapply din. Mga taga-UP Diliman. Iba-iba ang background ng mga aplikante pero iisa lang ang hanap: trabaho.
Na-interview kami bago maglunch time. Ang tanong sa akin, "familiar ka ba sa mga soap opera namin?" Ang sagot ko, "medyo lang," dahil wala kaming TV noon sa bahay pero may nabasa akong undergrad thesis tungkol sa isang soap opera ng ABS CBN at binanggit ko ito. Dinagdag ko ring nakapagsulat na ako ng isang script na pampelikula. Nagname drop pa ako. Sabi ko, si ganito po ang prof ko sa scriptwriting. pinakuwento ito sa akin. Sa awa siguro ni Mother Ignacia, pinabalik ako ng 2pm. Mga sampu din kaming pinabalik (yes, nakapasok ang dalawang 1st year college student dahil ikinuwento raw nila ang paborito nilang soap opera sa nag-iinterview). At pinakilala kami sa dati nang nagc-CDG sa kanila. Anong CDG? Concept Development Group. Hinati kami sa 3 grupo at pinagawa ng storyline ng soap opera para sa tambalang Kristine Hermosa at Jericho Rosales. Mula 2pm hanggang 630pm, nagkuwentuhan, nag-isip, nag-away, nagkaisa ang bawat miyembro ng grupo. Masaya ako dahil buo ang storyline namin. May opening scene pa nga na napaka-cinematic. tinawag na kami nung taga-ABS CBN at ikinulong kaming lahat sa isang kuwarto para ikuwento ang storyline ng bawat grupo. Walang naaprubahan. lahat, may butas, hindi maganda etc. Pero inutusan pa rin ang bawat grupo na magproduce ng hard copy ng storyline. At ok na raw. Maghintay na lang daw kami ng text nila. Awang awa ako sa sarili ko dahil kinain na ng malalaki kong bituka ang maliliit kong bituka paglabas ko ng ABS-CBN mag-aalas nuwebe ng gabi. Ni hindi man lang sila nagserve ng tubig. Noong nagmeet ang tatlong grupo, may naglabas ng iisang piraso ng chichirya. Sorry daw at yun lang ang naibigay nila. Sa isip ko, ok lang. Ganito talaga ang naghahanap ng trabaho.
Kinabukasan, nakatanggap naman ako ng text at pinababalik nga ako. Nagbaon na ako ng biskwit at kendi at tubig. Pagdating doon, mas konti na lang kaming mga aplikante at yung mga dati nang nagc-CDG. Hinati ulit kami sa dalawang grupo at pinagawa ng storyline para sa soap opera nina Robin Padilla at Judy Ann Santos. Nagkanya-kanya ang bawat grupo nang ilang oras pagkatapos ay nagkita-kita ulit para ikuwento ang nabuong storyline.Inutusan din kaming magbigay ng hard copy. Ba-bye na ulit! Awang awa ako sa mga hindi nagdala ng biskwit at kendi at tubig dahil maghapong wala na namang laman ang tiyan nila. Sabi nung taga-ABS CBN, "ite-text ko na lang kayo." I thank you. After a few days, nakakuha ulit ako ang text message, ang sabi ay kailangan daw nila ng writer para sa show ni Ms. Tessie Tomas. Ha? E, anong nangyari sa mga storyline ng soap opera? nabayaran ba yung mga nagCDG? Kami kayang mga aplikante, baka may nabayaran kahit isa sa amin?
Paglipas ng ilang araw,sa Philcoa, nakasalubong ko ang isang lalaki na nakilala ko sa CDG ng ABS-CBN. Tanong ko, binabayaran ba kayo? Madalas daw ay hindi. Kung tuloy-tuloy lang daw ang attend ng CDG at nagkataong magustuhan ng headwriter ang isa sa mga ideya mo, saka ka lang bibigyan ng pagkakataon na makapagsulat. Pero kung palpak, sorry na lang. Grabe pala ang puhunan doon ano? Pawis at utak at katakot-takot na panahon. Magugutom ka talaga kung yun lang ang aasahan mo. Isa ring fellow applicant ang nakita ko sa campus. kamusta, kako. Sagot niya, "Di na ako bumalik kahit pa tinext nila ako. sayang lang ang oras ko doon. Niloloko lang nila tayo. kinuha lang nila ang idea natin tapos itinaboy na parang askal."
Hindi ko napanood ang unang episode ng bagong soap opera nina Kristine at Jericho. Nainis kasi ako sa channel 2. parang walang respeto sa mga manunulat. Sabi ng kaibigan kong fictionist na isa sa mga nakarinig ng storyline ng aming grupo, kahawig daw ng opening scene namin, ang opening scene ng bagong soap opera. Hay, buhay.
[0] This is Where You Bite the Sandwich
GO TO OLDER POSTS
GO TO NEWER POSTS