header image

HOME

This is the blog of Ian Rosales Casocot. Filipino writer. Sometime academic. Former backpacker. Twink bait. Hamster lover.

Interested in What I Create?



Bibliography

Friday, February 24, 2023

entry arrow12:11 AM | Mabuhay ang Kalayaan. Isabuhay ang Kalayaan. EDSA at 37.



37 taon na mula nang magkapit-bisig ang mga Pilipino sa kalsada para bawiin ang bansa. Kahit ilang dekada tayong dinahas ng estado, nanlaban tayo gamit lang ang ating pag-asa. At ang pag-asang iyan ay pinaloob ng "Handog ng Pilipino sa Mundo" sa isang kanta.

Sa anibersaryong ito ng EDSA People Power, hinaharap natin ang katotohanan. Na hindi natin natupad ang lahat ng mga pangako ng pag-asang iyon o napangalagaan ang kalayaang ating napanalunan. Marami sa atin ang bigo.

Ngunit aawitin pa din natin ang mga salitang iyon. Ibabahagi pa din natin ito sa mga napakabata pa para malaman kung anong tapang ang kailangan para huwag tuminag, magdasal, at itulak ang gumugulong na tangke.

Dahil ang EDSA ay hindi lang kalsada. Hindi lang ito alaala. Ito ay ang lakas ng bawat Pilipino na gawin ang tama, lumaban nang may pagdamay, hindi kalupitan. Buháy ang EDSA sa bawat isa sa atin, at ang kantang ito ay isang paraan para ito marinig. Para mapaalalahanan tayong tapusin ang ating sinimulan.

[From 11,103]

Labels: , ,


[0] This is Where You Bite the Sandwich





GO TO OLDER POSTS GO TO NEWER POSTS