header image

HOME

This is the blog of Ian Rosales Casocot. Filipino writer. Sometime academic. Former backpacker. Twink bait. Hamster lover.

Interested in What I Create?



Bibliography

Wednesday, July 02, 2008

entry arrow12:39 AM | Bulawan Online



There's a new literary magazine online devoted to Philippine literature, and this one's putting a focus on literary works written in Filipino. Bulawan Online is the brainchild of National Artist for Literature Rio Alma, whose company I enjoyed immensely in Baguio last summer.

What is Bulawan?

Ang Bulawan Online ay isang lathalaang pampanitikan at nakabukás nang pangunahin para sa mga makata, kuwentista, at tagapagsalin ng tula at maikling kuwento. Nakabukás din ito sa mga pagsusuri ng aklat pampanitikan at pagtalakay sa mga paksang pampanitikan. Tuwing dalawang buwan, ilalabas sa lathalaang ito ang napilìng katangi-tanging tula, maikling kuwento, at salin nang may kalakip na komentaryo.

Sa ganitong paraan, nais ng lathalaang ito na pasiglahin ang mga makata’t manunulat at makatulong sa pagpatnubay ng pagsulong ng panitikan ng Filipinas, lalo na ng panitikang nakasulat sa wikang Filipino. Hinahangad din ng lathalaang ito na makapag-ambag ng mahusay na babasahing pampanitikan para sa mga estudyante’t guro ng wika at panitikang Filipino. Ang pagbibigay naman ng pagsusuri sa mga ilalathalang akda ay isang paraan ng paglinang sa kritikal na pagbása ng panitikan at pagdudulot ng gabay hinggil sa iba’t ibang paraan ng pag-aaral sa isang akda. Sa kabuuan, nais ng Bulawan Online na magtaguyod ng Panitikan para sa Dangal ng Bayan.

Ang lathalaang ito ay handog sa bayan ng Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario. Nanunungkulan siyang Punòng Editor at kasáma sa Lupon ng mga Editor sina Roberto T. Añonuevo, Romulo P. Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Vim Nadera, at Fidel Rillo. Mga Kagawad sina Phillip Kimpo Jr., Sophia Lucero, Eilene Narvaez, at Ernanie Rafael.

Do give the site a visit.

Labels: , ,


[0] This is Where You Bite the Sandwich





GO TO OLDER POSTS GO TO NEWER POSTS