This is the blog of Ian Rosales Casocot. Filipino writer. Sometime academic. Former backpacker. Twink bait. Hamster lover.
The Boy The Girl
The Rat The Rabbit
and the Last Magic Days
Chapbook, 2018
Republic of Carnage:
Three Horror Stories
For the Way We Live Now
Chapbook, 2018
Bamboo Girls:
Stories and Poems
From a Forgotten Life
Ateneo de Naga University Press, 2018
Don't Tell Anyone:
Literary Smut
With Shakira Andrea Sison
Pride Press / Anvil Publishing, 2017
Cupful of Anger,
Bottle Full of Smoke:
The Stories of
Jose V. Montebon Jr.
Silliman Writers Series, 2017
First Sight of Snow
and Other Stories
Encounters Chapbook Series
Et Al Books, 2014
Celebration: An Anthology to Commemorate the 50th Anniversary of the Silliman University National Writers Workshop
Sands and Coral, 2011-2013
Silliman University, 2013
Handulantaw: Celebrating 50 Years of Culture and the Arts in Silliman
Tao Foundation and Silliman University Cultural Affairs Committee, 2013
Inday Goes About Her Day
Locsin Books, 2012
Beautiful Accidents: Stories
University of the Philippines Press, 2011
Heartbreak & Magic: Stories of Fantasy and Horror
Anvil, 2011
Old Movies and Other Stories
National Commission for Culture
and the Arts, 2006
FutureShock Prose: An Anthology of Young Writers and New Literatures
Sands and Coral, 2003
Nominated for Best Anthology
2004 National Book Awards
Tereyn ng Panitikan at Pang-uring Tunggalian
By Mykel Andrada, Joi Barrios at Rolando B. Tolentino
Simula nang manungkulan si Gng. Gloria Macapagal-Arroyo noong 2001, umaabot na sa halos 800 ang kaso ng mga pulitikal na pamamaslang sa bansa. Ayon pa sa KARAPATAN, isang alyansang nagsusulong ng karapatang pantao, simula 2001 hanggang Nobyembre 2006, humigit-kumulang 200 naman ang bilang ng desaparecidos o iyong mga biglang naglaho dahil sa pandurukot ng hinihinalang mga elemento rin ng militar at gobyerno. Ayon naman kay Purificacion Quisumbing, Tagapangulo ng Commission on Human Rights (CHR), ang limang-taong panunungkulan ni Arroyo ay nagluwal ng mas maraming kaso ng paglabag ng karapatang pantao kumpara sa 15-taong pinagsama-samang panunungkulan nina Corazon Aquino, Fidel Ramos at Joseph Estrada. Nangangahulugan lamang na ang maikling administrasyon ni Arroyo ang mas pasistang rehimen, kasama na ang diktadurya ni Marcos, sa kasaysayan ng Pilipinas.
Ang kasaysayan ng bansa ay kasaysayan ng protesta't rebolusyon. Kasaysayan itong naiukit sa imahinasyong pampanitikan ng bansa. Mula sa tradisyong protesta ng Kilusang Propaganda noong panahon ng kolonyalismong Kastila sa bansa, sa rebolusyunaryong panulat ng Katipunan, sa dupluhan at balagtasan, sa panitikang andergrawnd, hanggang sa patuloy na pagyabong ng tradisyong radikal sa kasalukuyan. Ito ay kasaysayang isinulat at isinusulat. Ito ay kasaysayang isinasagawa. Sa ganitong lapit isinusulong ang ikaapat na serye ng Publikasyong Iglap, ang Subverso: Mga Tula at Kuwento Laban sa Pulitikal na Pandarahas. Ang koleksiyong ito ng mga tula at maikling kuwento ay tumutuligsa sa umiigting na paglabag ng administrasyong Arroyo sa karapatang-pantao, kabilang na ang tumataas pa ring bilang ng pulitikal na pamamaslang at dumaraming bilang ng desaparecidos.
Labels: philippine literature, writing