header image

HOME

This is the blog of Ian Rosales Casocot. Filipino writer. Sometime academic. Former backpacker. Twink bait. Hamster lover.

Interested in What I Create?



Bibliography

Tuesday, June 09, 2009

entry arrow11:02 AM | Librong Pangkultura sa Ikaw-75 Anibersaryo ng PCSO

[sent in by romulo baquiran jr.]

Bilang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo ng PCSO, nagtataguyod itong panggobyernong institusyon ng publikasyon ng isang coffeetable book na ilulunsad sa Setyembre 2009. Itatampok sa libro ang 75 awtor na magbibigay ng kontribusyong lathalain (feature), sanaysay, tula, kuwento, dula, at/o larawan. Kung magsusumite ng higit sa isang anyo, pipili lamang ang mga editor ng isa na mailalathala. Tatanggapin ang kontribusyon sa Ingles, Filipino, at iba pang wika sa Pilipinas.

Walang takdang tema ngunit hangga’t maaari ay maiugnay ang paksang susulatin sa kontribusyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa mga pangkulturang penomenon sa karanasan ng mga Filipino. Hindi kailangang hayag ang kaugnayan ngunit mahalaga na malikhain ang presentasyon.

Para sa mga magsusulat ng lathalain at magbibigay na retrato, kailangang makipag-ugnayan sa mga koordineytor para sa iiskedyul na interbiyu at pagkuha ng larawan sa mga naging benepisaryo ng PCSO. Gagawin ito sa lalong madaling panahon.

Para sa lathalain, kuwento, at sanaysay, inaasahan na magbigay ang mga awtor ng 4-6 pahina ng double spaced, coupon bond size, Times Roman o Arial 12 points na manuskrito. Ito ay nasa 1,500 hanggang 2,500 salita. Maaaring magbigay ng 1 mahaba o 2 maikling tula. Para sa sa dula, dapat na tumagal lamang ito nang 10 minuto kung itatanghal o katumbas ng 5-8 pahina ng manuskrito.

Inaasahang matanggap ang mga kontribusyon sa email o CD bago ang
6 Hulyo 2009. Maaaring iemail ang mga ito sa donat.alvarez (at) gmail (dot) com, jbaquiran (at) gmail (dot) com, at bikeonthemoon8 (at) gmail (dot) com. O ipadala ang CD kay Joey Baquiran, UP Institute of Creative Writing, 2nd Flr, Faculty Center, UP Diliman, Quezon City.

Tatanggap ng kabayaran ang mga awtor ng mapipiling akda. Tagapamahala ng proyekto si Donat Alvarez, editor si Arnold M. Azurin, at kasamang editor sina Joey Baquiran at Luna Sicat-Cleto.

Labels: , ,


[0] This is Where You Bite the Sandwich





GO TO OLDER POSTS GO TO NEWER POSTS