header image

HOME

This is the blog of Ian Rosales Casocot. Filipino writer. Sometime academic. Former backpacker. Twink bait. Hamster lover.

Interested in What I Create?



Bibliography

Tuesday, September 29, 2009

entry arrow10:39 AM | Awit sa Panahon ng Sakuna



By Joi Barrios

Ulan, bagyo, baha,
Unos na mapamuksa,
Sa panahon ng sakuna
Higit na ramdam ang dalita.

Ang bahay ko'y lumulubog
Ang buhay ko'y inaanod
Ang dati nang walang wala
Ngayo'y paano na? Paano pa?

Haplit ng hanging mabagsik
Buhos ng ulan, galit ng lintik,
Sa mahirap na nasalanta
Ang buhay na aba, lalo pang naging aba.

Kung sana ay may masilungan
Kupkupin sa puso mo't tahanan
Kung sana, sa bukas, ang lipunan
Wala nang lubog sa karalitaan

Ang panahon ng sakuna
ay panahon ng pagninilay
Itayo, itindig ang lipunang matibay
Ipaglaban ang marapat, kung saan
Ang lahat ay magkakapantay.


Sinulat para lapatan ng musika ng Grupong Pendong

Labels: , , ,


[0] This is Where You Bite the Sandwich





GO TO OLDER POSTS GO TO NEWER POSTS